InteresThings

Pages

Saturday, March 28, 2020

Skin Magical Shares Their Blessings In Times Of Need!

Filipinos are resilient. For the start of this 2020, we experience a lot; Earthquakes and Taal Volcano Eruption and now surviving a pandemic health crisis.

Different companies shines so far for helping our fellow Filipinos who are struggling right now and mostly the Frontliners who are risking their own lives to save others.



Skin Magical, the leading online and direct selling company and headed by Jerry and Ghie Pangilinan made sure that even in their community, they can share their blessings by donating antibacterial soaps, sacks of rice, masks and more.






According to Ghie Pangilinan, COO of Skin Magical.

“We can't help everyone, but everyone can help someone

Lahat po tayo ay may kanya kanyang paraan ng pagtulong at alam po natin ang sarap sa pakiramdam na kapag naririnig ang pasasalamat ng mga tao. Malaki ang nagagawa ng social media para magbigay ng inspirasyon sa iba na tumulong din.

Pero ang pagkumpara sa pagtulong ng iba ay di po maganda pakinggan. Para sa akin ang pagtulong ay di kinakailangan ipost palagi sa social media. At di rin po yata tama na ikumpara ang mga naibigay na tulong sa iba. Dahil ang mahalaga may naiabot n tulong sa atin maliit man o malaki.

Ninais ko po na magbigay sa mga Staff at Brgy ng mga bagay katulad ng mask na pangunahin nating kailangan bigas, vitamins, at safeguard antibac na ipapamahagi ko po sa mga barangay at sila na po ang bahala magdistribute nito. Hindi po ganun kadali maghanap ng mask dahil nagkakaubusan na po kaya naghanap pa po ako ng supplier na mabilisang tatahi ng mga mask. Hindi ko po pwede ibgay ang sabon n ginagawa namin dahil ang sabon po namin ay hindi Anti-bacterial maliban lang po sa aming Apple Cider Vinegar Soap.

Hindi lang trabahador ang nawalan ng income kami din n mga negosyante ay nwalan. Sa totoo lang mahirap lang din magsalita ng di maganda pero bakit parati na lang pag di ka nakikitaan ng pagtulong ay hahanapan ka at kapag nauna ang isa...ikukumpara ka agad at aabangan ang ibibigay. Sa totoo lang po sa pagtulong ay walang kumpetensya masaya kami na nakakatulong at di kinakailangan bigyan ng kulay.  Hindi po kasi magandang pakinggan, maraming usap usapan na nakararating sa amin. Hirap isipin na nabigyan man sila ay may masasabi din. Ipaubaya na po natin sa walang source of income o hindi handa sa panahong ito ang dapat iprioritize bigyan ng tulong.

Ang nais ko lang po ay tumulong sa abot ng aking makakaya at mas masarap po yata pakinggan ang pasasalamat kaysa pagkukumpara.

Magingat po tayong lahat. Magkaisa po tau sa pagharap sa problemang dulot ng COVID19. Nawa po ang simpleng pagtulong namin ay maging inspirasyon ng bawat isa na tumulong ito man ay maliit o malaki.”

No comments:

Post a Comment